Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Ang Kalapati At Ang Uwak

Ilang araw makalipas ang pagbaha sa mundo, inutusan ng Diyos ang uwak na pumunta sa mundo upang malaman kung gaano kalalim ang tubig sa lupa. Nang nasa mundo na siya, namangha siya sa nakitang dami ng hayop na namatay sa lahat ng dako. Naisip niyang mukhang masarap ang mga ito, kaya tumungtong siya sa isa at sinimulang kainin ito. Natuwa siya sa labis-labis na dami ng pagkain sa paligid niya. Hanggang sa nalimot niya pati ang utos sa kaniya ng Panginoon. Dahil rin dito, nanatili siya sa mundo. 

Sa ikatlong araw, hindi pa rin bumabalik ang uwak. Inutusan ng Diyos ang kalapati na pumunta sa mundo upang malaman ang lalim ng tubig. Sinabihan rin niya itong magmasid pa sa mga bagay na nangyari sa mundo. Dahil ang kalapati ay isang matapat na nilikha, hindi niya nakalimutan ang bilin sa kaniya ng Diyos. Nang marating niya ang mundo hindi siya tumungtong sa kahit anong patay na hayop at sa halip ay tumungtong agad siya sa tubig na noo’y pulang-pula ang kulay dahil sa dugo ng napakaraming namatay na tao. Nang tumayo ang kalapati sa duguang tubig, nakita niya na isang pulgada na lang ang taas. Lumipad siya kaagad pabalik sa langit, at isinalaysay niya sa Diyos kung ano ang nakita niya sa mundo. Ang mapulang kulay sa kaniyang paa ang naging patunay sa lalim ng tubig. 

Hindi nagtagal, bumalik na rin ang uwak sa langit. Humarap ito sa Diyos, na nagsabi sa kaniya, “Bakit ka nagtagal? Bakit di ka bumalik nang mas maaga mula sa mundo?” Dahil wala siyang magandang dahilan na maibibigay, di na siya umimik. Yumuko na lang siya. 

Pinarusahan ng Panginoon ang uwak sa pamamagitan ng paglalagay ng kadena sa kaniyang mga paa. Kaya mula noon, hindi nakalalakad ang uwak. Ang nagagawa lang niya ay lumukso-lukso mula sa isang lugar. Ang kalapati na napakatapat sa Panginoon, ang siya nang paboritong alagang ibon sa buong mundo. Ang kulay pula sa kaniyang mga paa ay patunay sa kaniyang pagtupad sa utos ng Diyos.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Ang Alamat ng Hipon

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba. Tumaba sila ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig. Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Ipong. Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay animo’y laging gulat. Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaen...