Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

bakit maalat ang dagat


Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran.

Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya.

Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan.

“O hayan, tumulay na kayo! Sisikapin kong hindi igalaw ang mga binti ko nang makatulay kayong paroon at parito.”

Karga sa likod ang mga sako ng asukal, isa-isang tinalunton ng mga katutubo ang mga binti ni Ang-ngalo. Maingat na maingat sila. Takot silang madulas at malunod sa gitna ng dagat. Matagal-tagal din ang paglalakbay nila. Naibaba nila ang asukal sa ibayong dagat pero hindi namalayan ng lahat na may ilang sakong nabutas kaya nabudburan ng asukal ang ilang bahagi ng binti ng higante.

Totoo ang kasabihang kung saan naroon ang asukal, tiyak na patungo doon ang langgam.

Sa pagbalik ng mga katutubo ay masasaya na nilang dala-dala ang inangkat na mga sako ng asin. Kahit pawisan ay natutuwa sila sapagkat makababalik ang bawat isa dala-dala ang produktong labis na kinakailangan sa kabuhayan.

Hindi napansin ng lahat na sa pag-akyat nila sa binti ni Ang-ngalo ay kasabay nila ang mapupulang langgam na nakaamoy ng matamis na asukal. Kung maraming katutubo ang nanunulay na pasan-pasan ang mga asin ay marami ring langgam ang gumagapang at handang kumagat sa sinumang mabalingan.

Sapagkat lubos na sensitibo ang balat ng higanteng maramdamin, napasigaw ito na ikinagimbal ng mga tao.

“Ma…may mga langgam na kumakagat sa binti ko. Magkapit-kapit kayo!”

Nang hindi na matiis ang pangangagat ng mga langgam sa binting may katamisan ay iginalaw ni Ang-ngalo ang mga paa na ikinahulog ng libu-libong katutubo kasama ng libu-libo ring sako ng asin.

Bagamat nailigtas ni Ang-ngalo ang mga katutubo ay lumubog lahat ng asin sa ilalim ng karagatan.

Iyan ang dahilan kaya umalat na ang dagat magmula noon.

Ito ang alamat na pinagmulan ng kaalatan ng karagatan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Alamat ng Iloilo (Alamat ng Panay)

Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya.  “Salamat, napakabait mo,” anang matanda. “Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya. “ “Naku,  huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito,” magalang na tanggol ng binata.  “Totoo palang napakabait mo,” usal ng matanda.  Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang paghanga ng matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda, tulad ng: “Kung ano ang iyong itina...