Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat ng Mais

alamat-ng-mais


Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain.

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok.

Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay.

Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung noon ay minuto lang ang ginugugol nito sa pagsusuklay at pag-aayos ng buhok, ngayon ay inaabot siya ng ilang oras kung minsan pa nga ay buong araw.

Isang araw, nagkasakit ang kanyang ama. Kinailangan ng kanyang ina na magbenta ng kanilang pananim na gulay upang sa ganoon ay meron silang pambili ng makakain at ng gamot para sa ama.

Mahigpit na pinagbilinan ng kanyang ina si Maita na gawin ang mga gawaing bahay. Ipinagbilin niyang mag-luto siya ng makakain at siguradong gabi na ito makakauwi mula sa bayan. Bantayan daw siya ang kanyang ama at pakainin na rin ito upang lumukas. Pinaalala din niyang huwag kalimutang diligan ang kanilang mga tanim na gulay sapagkat tigang ang lupa sa kanilang bakuran. Nayayamot na pumayag ang bata. Siya na raw ang bahala sa kanyang ama at sa kanilang bahay.

Uumpisahan na sanang gawin ni Maita ang mga pinag-uutos ng kanyang ina nang siya ay mapadaan sa kanilang salamin at masulyapan ang kanyang buhok. Napatigil ito at kinuha ang kanyang suklay. Naisip ng bata na maaga pa. Mag-aayos daw muna siya ng kanyang buhok. Nagsuklay nga ng nagsuklay si Maita. Nawili ito at hindi napansin ang mga nagdaang oras. Maging ang mahinang pagtawag ng kanyang ama na humihingi ng makakain ay hindi narinig ng bata. Abala ito sa pag-aayos ng kanyang magandang buhok.

Lumubog na ang araw at dumating na ang ina ni Maita. Nagtataka ito ng makita ang kanilang mga pananim na gulay na natuyo dahil sa hindi nadiligan buong mag-hapon. Hinanap nito si Maita at nakita nga niya ang anak na abalang nagsusuklay sa harap ng salamin.

Pinagalitan si Maita ng kanyang ina dahil sa wala man lang itong nagawa sa mga pinagbilin sa kanya. Maging ang pakainin ang may sakit na ama ay hindi nagawa ni Maita. Mariing wika ng matanda sa bata na sana ay numipis na lang ang kanyang buhok upang sa ganoon ay hindi na niya ito pag-aaksayahan ng panahong suklayin. Bukas na bukas din ay ipapaputol na raw ng matanda ang buhok ni Maita. Umiiyak na tumakbo palabas ang bata. Ngunit hindi na ito sinundan ng ina, nagpunta ito sa kusina upang ipagluto ang asawang nanghina lalo sa gutom.

Nang mahimasmasan sa galit ang ina ni Maita ay hinanap niya ang bata sa bakuran ngunit hindi niya ito nakita. Ipinagtanong din niya ito sa mga kapitbahay ngunit walang nakakita sa bata. Matagal na hinanap ng ina si Maita subalit walang may alam kung nasaan ang bata.

Isang umaga nang nagwawalis sa may bakuran ang ina ay may nakita itong bagong halaman na umusbong. Ito ay may mahahabang dahon. Diniligan ito ng matanda. Makalipas ang ilang lingo ay nagkabunga ang halaman. Nang pitasin at balatan ang bunga, nakita ng mag-asawa na ito may butil-butil na kulay dilaw. Ang bunga ay may mga maninipis ding ginituang buhok na ubod ng dulas at ganda. Naluha ang mag-asawa ng makita ang magandang buhok. Naalala nila ang buhok ng anak nilang si Maita na ganoon na ganoon ding madulas at maganda.

Naisip nilang parehas na marahil ito na nga ang nawawalang anak. Simula noon, tinawag nilang mais ang halaman.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Ang Alamat ng Hipon

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba. Tumaba sila ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig. Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Ipong. Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay animo’y laging gulat. Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaen...