Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Ang Alamat Ng Sayote

alamat ng sayote


Noong Araw, ang tinola ay wala pang sayote dahil wala pa talagang sayote sa mundo. May isang bata na ayaw na ayaw kumain ng gulay. Ulila na siya. Ang tanging nag-aalaga lamang sa kanya ay ang kanyang nakatatandang kapatid na babae. Mahilig siyang magluto ng tinolang manok kahit alam niyang di kumakain ng gulay ang kanyang kapatid. Kakainin lamang niya ang manok, subalit ang gulay ay pinapaubos lagi niya sa kanyang ate. Sinasabi niya “ang gulay ‘te ay para sa ‘yo”.

Sa tuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang sinasabi ukol sa mga gulay, “te sa’yo”.

Isang araw, dumalo silang magkapatid sa piyesta at siyempre maraming handa. Napakasiba ng bata, naka-ilang plato ng kanin at ulam ang kanyang naubos. Tulad ng dati, ang lahat ng gulay ay “te sayo”.

Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay, bigla na lamang itong na-empacho, subalit pagtakbo niya sa palikuran, ina-take ito sa puso at namatay. Dahil hindi naman sila mayamang magkapatid ay inilibing na lamang niya ang kanyang ate sa likod ng kanilang bahay kung saan ay nakatanim ang iba’t ibang halaman. 

Isang araw ay may tumubong kakaibang tanim sa puntod ng kanyang nakatatandang kapatid. Hindi niya ito pinansin at hinayaan lamang tumubo. Namunga ito makaraan ang ilang buwan at laking gulat niya ng maalala niya ang kanyang ate dahil sa hugis ng bunga nito. Sabi niya, “Sa’yo ‘Te ang gulay na to”. 

Mula noon ay natutunan niyang mahalin ang gulay na iyon at naging paborito niyang kainin. Tinawag niya itong sayote bilang pag-alala sa kanyang nakatatandang kapatid.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Alamat ng Iloilo (Alamat ng Panay)

Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya.  “Salamat, napakabait mo,” anang matanda. “Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya. “ “Naku,  huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito,” magalang na tanggol ng binata.  “Totoo palang napakabait mo,” usal ng matanda.  Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang paghanga ng matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda, tulad ng: “Kung ano ang iyong itina...