Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat ng Rosas (4 na version)

 

Alamat ng Rosas (Version 1)

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.

Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig.

Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga.

Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.

Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at Antonio.

Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.

Aral

  • Pag dating sa pag-ibig ay hindi dapat pinaglalaruan ang puso ng kahit sinuman. Dahil maaari itong magdulot ng poot sa damdamin ng taong nasaktan.
  • Pag dating sa pag-ibig ay hindi dapat pinaglalaruan ang puso ng kahit sinuman. Dahil maaari itong magdulot ng poot sa damdamin ng taong nasaktan.

Alamat ng Rosas (Version 2)

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang ‘Rosa’, na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Aral

  • Huwag ipilit ang iyong sarili sa taong hindi ka gusto. Sa halip na kaligayahan ang matamo ay maaring kapahamakan ang maidulot ng pilit na pag-ibig.

Alamat ng Rosas (Version 3)

Noong unang panahon ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.
Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

Ayon sa kwento, nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dalaga sa kabilang buhay.

Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.

Ang mga ngiti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya.

“Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami at hindi na maghihiwalay pa.”

Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa sa katipan.

Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.

Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.

Aral

  • Ang pag-ibig na ipinamalas ni Rosa ay isang halimbawa ng tunay na pag-ibig. Ito ay mapagtiis, mapag-tyaga, puno ng pag-asa at walang hinihintay na kapalit.

Alamat ng Rosas (Version 4)

Isang araw, may isang dalaga na nagtataglay ng angking kagandahan, siya ay si Rosa. Mga buhok na abot hangang beywang, mapupulang labi, matatangos na ilong at mala-anghel na mga mata ay ilan sa mga kaakit-akit na katangiang tinataglay ni Rosa kaya hindi maipagkakaila na maraming nagkakandarapa sa kanya.

Ngunit sa likod ng kagandahang taglay ni Rosa ay kabaliktaran din ang pag-uugali nito. Iniwan sila ng kanilang ama at sumama sa ibang babae kaya gayon na lamang ang kanyang pagkasuklam sa mag lalake. Ang kanyang ina na lamang na si Aling Teresa at ang kaniyang bunsong kapatid na si Rosal na lamang ang magkasangga sa buhay.

Gabi-gabi na lamang na may bumibisita sa kanila para umakyat ng ligaw sa dalaga na may mga dalang kakanin at mga bulaklak. Mapa-mayaman man o mahirap ang mga lalake ay nagkakasundo sa pagpila para sa panliligaw sa dalaga. Ngunit hindi nila alam na si Rosa ay hindi na nakakaramdam ng pag-ibig sa mga lalake simula noong iwan sila ng kanilang ama. Para sa kaniya laruan lamang ang mga lalake at hindi dapat siryusohin. Ayaw ni Rosa na mangyari sa kaniya ang nakaraan kung saan dumanas sila ng matinding unos.

Isang gabi, bago pa lang natapos kumain ng hapunan ang mag-ina ay may narinig sila na kung anong ingay na naggaling sa labas. Tinignan ni Rosa at nakita niya ang mga nagkukumpulan na lalake sa pagpipilahan. Limitado ang oras na ibinigay ni Rosa sa kaniyang mga manliligaw kaya kung tapos na ang oras ay wala na siyang tatanggapin na bisita. Nagmistulang hardin ang bahay ni Rosa dahil sa napakaraming bulaklak. Isa lang ang naka-agaw pansin dito. Yun ay ang “Pulang Bulaklak” na binigay sa kaniya ni Miguel, ang napakatagal na niyang manliligaw. Si Miguel lang kasi ang nagbibigay sa kaniya ng pulang bulaklak kaya nagtataka siya kung saan ito kinuha ng binata dahil madalas kasi ay pare-pareho lang ang ibinibigay ng ibang manliligaw ni Rosa. Mahalimuyak ang pulang bulaklak na ibinigay ni Miguel sa kaniya kaya gabi-gabi niya itong ina-amoy.

Kapag may kaharap na lalake si Rosa ay bumabalik ang mga pangyayari noong iniwan sila at tila sumasariwa ang mga sugat nito. Dumating ang araw na sinagot ni Rosa si Miguel hindi dahil sa mahal niya ang binata ngunit gusto niyang paasahin at saktan ang puso nito. Sobrang saya ng binata sa naging desisyon ni Rosa.

Naging masaya sila sa mga nagdaan na araw. Pinaparamdam ni Miguel kung gaano ka-importante at kamahal niya si Rosa dahil siya ang pinili ng dalaga sa lahat ng mga manliligaw nito. Pansamantalang nakatira muna si Miguel sa bahay nila Rosa.

Isang araw, umuwi na si Miguel galing sa trabaho. Nakita niya si Rosa na may kasamang lalake. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan pa. Hindi niya ito pinansin dahil inisip niya na baka matalik lang itong kaibigan ng nobya.

Ngunit naging sunod-sunod na ang mga pangyayari. Nakita niya itong magkahawak kamay sa sala at magkatabi pa. Hindi na nakapag-pigil si Miguel. Lumabas ng patakbo ang lalake na kasama ni Rosa.

Miguel: Rosa, naging masaya ka ba kahit kaunti sa pagsasama natin?

Rosa: Gusto mo bang malaman ha? HINDI!

Miguel: Minahal mo ba ako, Rosa?

Rosa: Hindi Miguel, kailanman ay hindi kita natutuhang mahalin.

Sa mga narinig na iyon ni Miguel ay hindi niya napansin na may tumulong luha sa kanyang mga mata. Kahit hindi siya minahal ng dalaga ay lubos parin niya itong minahal. Binigay niya kay Rosa huling “Pulang Bulaklak” para maalaala siya nito dahil bibigyan niya ng oras ang dalaga para makapag-desisyon.

Ngunit paghawak ni Rosa sa bulaklak ay nawala ito bigla at naiwan ang pulang bulaklak sa na may bahid ng dugo ni Rosa. Naguluhan si Miguel sa pangyayari at sinabihan kaagad sina Aling Teresa at si Rosal.

Itinanim niya ang bulaklak sa kanilang bakuran. Unti-unti naman itong tumubo. Dumarami ang mga bulaklak at tinik nito. Tinawag nila itong “Rosa” at hindi naglaon ang “Pulang Bulaklak” ay tinawag na “ROSAS”.

Aral

  • Hindi porket pangit ang naging istorya ng pag-ibig ng ibang tao, ay ganoon na rin ang mararanasan mo.
  • Matutong mag patawad dahil walang magandang maidudulot ang pagtatanim ng galit.
  • Wag saktan ang damdamin ninuman dahil lang gustong maghiganti.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Ang Alamat ng Hipon

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba. Tumaba sila ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig. Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Ipong. Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay animo’y laging gulat. Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaen...