Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat ng Pinya

alamat-ng-pinya


Noong unang panahon sa isang malayong nayon ay may naninirahang isang batang babae. Ang pangalan niya ay Filipina at ang kanyang palayaw ay Pina. Bata pa si Pina nang maulila kaya siya ay kinupkop ng kanyang tiyahing si Marta.

Si Pina ay mabait, masipag, at mapagtiis samantalang ang kanyang tiyahin ay tamad, masungit, at pabaya sa buhay. Nang bata pa si Pina ay nagkasakit siya ngunit hindi siya ipinagamot ni Marta bagay na naging dahilan upang manlabo ang kanyang mga mata. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi na niya mabasa ang mga aralin sa paaralan. Kuntento na lamang siya na tumulong sa
mga gawaing bahay at makipaglaro sa mga kapwa bata.

Lumipas pa ang maraming araw at mas lumubha ang panlalabo ng kanyang mga mata. Kadalasan kapag sila ay naglalaro ng taguan ang mga salbaheng bata ay hindi na nagtatago at sa halip ay nanatiling nakapaligid sa kanya. Sapagkat bahagya niyang naaaninang ang mga kalaro ang mga salbaheng bata ay kinukurot siya sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang kinukutya ang kanyang
kapansanan. Ang lahat ng mga eto ay kanyang pinagtitiisan.

Isang araw habang siya’y naglalaro sa harapan ng kanilang bahay ay galit na tinawag siya ni Marta.  “Pina, maghugas ka ng mga pinggan at kaldero sa kusina. Ang tamad- tamad mo!” sigaw si Marta. “Pagkatapos mong maglinis sa kusina ay maglaba ka.”

Agad namang iniwan ni Pina ang paglalaro at nagtungo sa kusina upang maghugas. Ano ba’t dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata ay di sinasadyang natabig niya ang lalagyan ng mga pinggan at baso, at bumagsak ang mga gamit sa sahig. Nang makita ni Marta na nabasag ang ilang plato at baso ay labis siyang nagalit. Kinuha niya ang walis tingting at malakas na pinagpapalo si Pina
sa kanyang mga binti.

“Wala kang silbi! Dapat ang ulo mo’y napaliligiran ng mga mata para nakikita mo ang lahat ng nasa paligid mo!” malakas na sigaw ni Marta habang pinapalo pa rin si Pina.

“Tiya, patawarin po ninyo ako. Hindi ko po sinasadya,” pagmamakaawang pakiusap ni Pina. Ngunit lalo pang nilakasan ni Marta ang pagpalo sa kanya.

Nang di na matitiis ni Pina ang sakit ng pagpalo sa kanya ay umiiyak siyang tumakbo sa labas ng bahay patungo sa kalapit na kagubatan. Lumipas ang maghapon at hindi bumalik si Pina. “Babalik din siya kapag siya ay nagutom, ” sabi ni Marta sa kanyang sarili.

Lumipas ang maghapon, gumabi, at nag-umaga ngunit hindi bumalik si Pina. Hindi rin nakatiis si Marta at kasama ang ilang bata ay hinanap nila si Pina. Ngunit siya ay naglaho na parang bula. May mga nag-isip na si Pina ay kinupkop ng isang diwata sa kagubatan na naawa sa kanyang kalagayan.

Lumipas pa ang maraming araw. Isang umaga ay nagulat na lamang ang lahat nang may nakita silang halaman na umusbong sa harapan ng bahay ni Marta. Ang halaman ay nagbunga ng isang prutas na korteng ulo at may mga mata sa paligid. Bigla nilang  naalala si Pina at ang sinabi ni Marta sa kanya:  “Dapat ang ulo mo’y napaliligiran ng mga mata para nakikita mo ang lahat ng nasa paligid
mo.”

“Si Pina siya!” biglang nasambit ng isang kapitbahay sa kanyang mga kasama. Ilang salbaheng bata ang lumapit upang maki-usyoso. Subalit paglapit nila ay pawang nangatusok sila ng matutulis na tinik sa dulo ng mga dahon ng halaman. Naalala nila ang ginawang pag-aapi kay Pina. “Si Pina nga siya,” anang isang salbaheng bata.

“Ayaw na ni Pina na nilalapitan natin siya.” Sigaw ng isa pang salbaheng bata. “Ayaw niyang kinukurot natin kaya tayo naman ang tinutusok ng kanyang mga tinik.” “Si Pina nya! Si Pina nya!” magkakasabay na sigaw ng mga bata habang itinuturo nila si Marta na nasa harapan ng bahay at nakatingin sa kanila.

Mula nuon tuwing makikita ng mga tao ang halaman at ang prutas nitong hugis ulo na maraming mata ay tinatawag nila etong si Pina nya. Nang lumaon ay naging Pinya na lamang ang naging tawag nila dito.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Ang Alamat ng Hipon

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba. Tumaba sila ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig. Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Ipong. Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay animo’y laging gulat. Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaen...