Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat ng Pakwan

alamat ng pakwan


Kaawa-awa ang batang si Juan. Ulila siya sa ama at ina. Nakatira siya sa kanyang tiya at tiyo. Mga pilyo, tamad, at masasama ang ugali ng kanilang mga anak. Malupit sila kay Juan. Sinisigawan, pinapalo at pinagtatawanan nila si Juan kapag nagkakamali ito. “Pak-Juan” ang tawag nila sa pinsan na ang ibig sabihin ay pangit si Juan.

Malaki ang ulo ni Juan. Maiitim ang kanyang mga ngipin at mapupula ang kanyang makakapal na labi. Ngunit mabait, masipag at matulungin si Juan. Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong maghapon. Naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata, at nagliligpit ng kinainan.
Minsan, nabasag ang hinugasang pinggan ni Juan. “Wala kang ingat, maghuhugas ka lang ng pinggan ay mababasag pa”, sigaw ng kanyang tiya. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan, “ha-ha-ha, Pak-Juan! Pak-Juan!”, ang paulit-ulit na biro ng mga pinsan.

Hindi na nakatiis si Juan. Umiiyak siya. Tumawag siya at nanalangin sa Poon. “Kung maari kunin mo na po ako! Hirap na hirap na po ako!”

At biglang nagdilim ang langit! Bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at kumulog. Kinabukasan, di na nakita ng mag-anak si Juan.Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto. Nagsisi ang mga anak. “Juan, sana’y mapatawad mo kami”, ang sabi nila sa sarili. Nagbago sila ng ugali. Inalagaan nila ang halaman. Tinawag nila itong Pak-Juan. Sa paglipas ng mga araw, nang Pakwan ang tawag sa halaman. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.

Aral


Iwasan ang pagiging mapanghusga sa kapwa.
Maging mabait sa kamag-anak lalo na’t kung kagaya ni Juan na ulila nang lubos.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Alamat ng Iloilo (Alamat ng Panay)

Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya.  “Salamat, napakabait mo,” anang matanda. “Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya. “ “Naku,  huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito,” magalang na tanggol ng binata.  “Totoo palang napakabait mo,” usal ng matanda.  Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang paghanga ng matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda, tulad ng: “Kung ano ang iyong itina...