Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...
Noong araw ang mga punong mangga ni mang Isko ay halos magkakapareho lamang ang laki. Ang tawag sa mga ito ay puhutan. Napakatamis kapag nahinog at gustong gusto ng mga bata.
Isang araw may isang dalagang dumaan sa manggahan ni mang Isko. Nagkusa si mang Isko na bigyan ito. Agad natuwa ang binibini. Sa katuwaan nito ay agad nitong itinanim ang buto sa paanan ng bundok at sa may hangganan ng bukid.
Agad na tumubo ang dalawang buto sa paanan ng bundok at sa bukid. Balak sanang putulin ni mang isko ang mga punong ito ngunit tila may nagbulong na…
“HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN”
Nanghinayang si mang Isko kaya’t minabuti nyang hayaan na lamang ito.
Malaking pakinabang ang mga puno lalo na sa mga magsasaka at sa kalabaw na madalas sumilong sa may bukid.
Ang madalas na pag silong ng kalabaw sa punong mangga at nagbigay daan para pag uusap nila ng madalas.
At dahil dito nagkaroon ng pag kakaintindihan ang kalabaw at ang punong nasa bukid.
Samantala nagkaroon din ng kagustuhan ang punong mangga na nasa paanan ng bundok sa magsasakang laging may dalang “Piko”.
Lumipas ang mga araw at ang dalawang punong mangga ay namulaklak at namunga.
Nang bumalik si mang Isko ay lubhang nagtaka ito, ang dalawang puno na nakatanim ng magkahiwalay ay may magkaibang laki.
Muli at nagbalik ang dalaga at sinabing…
“Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawan ni kalabaw at pahutan, ito ay tatawaging manggang kalabaw. Bagamat magkawangis ang kabilang puno, ito ay may kakaibang sukat sapagkat ito’y ipinaglihi sa piko at tatawagin itong manggang piko”
“Binibini paano mo nasabi ang bagay na yan?”
“Sapagkat ako ang diwata ng mga prutas” nakangiting sabi at kalaunay naglaho ang dalaga.
Ang sinabi ng diwata ay paulit ulit na ikinuwento ni mang Isko sa mga namimili ng mangga.
At ayan ang alamat ng manggang kalabaw at manggang piko.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento