Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap

Alamat ng Lansones

alamat-ng-lansones


Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang “puno ng lason” ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaaya-ayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa… Ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babagsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari. Sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito.

“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatid na wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin.

Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang “lansones”.


Aral

Ugaliin ang pananalangin sa Diyos na lumikha ng buong sangkatauhan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Bulkang Mayon (3 Versions)

Alamat ng Bulkang Mayon (3 Different Versions) Ang alamat ng Bulkang Mayon ay nagmula pa sa probinsya ng Bikol. Mayroon itong tatlong bersyon. Hindi na malaman kung alin sa mga ito ang orihinal na bersyon sa kadahilanang ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon. Alamat ng Bulkang Mayon (Version 1) Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog. Mayroon siyang kaisa-isang anak na dalaga, si Daragang Magayon na ang ibig sabihin ay Dalagang Maganda. Kilalang-kilala ang kagandahan ng prinsesa hanggang sa malalayong pook. Marami siyang manliligaw at isa na rito si Pagtuga, isang mayaman, bantog na mandirigma ngunit masama ang ugali pagdating sa kayamanan. Nakarating sa katagalugan ang usap-usapan tungkol sa magandang dalaga. Nabalitaan ito ni Ginoong Alapaap na anak ng isang lakan. Maganda ang kanyang tindig, matalino at magalang. Ibig niyang mapatunayan ang kagandahan ni Daragang Magayon kung kaya’t siya ay naglakbay patungong Bikol. Matagal na nagmasid si Alapaap sa ilog na ayo

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay