Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat ng Kawayan

Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.

Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.

Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya pagka’t tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.

Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.

Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan.

Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.

Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.

Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.

Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.

Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka’t makikitid ang mga dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan.

Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso nino man.

Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Alamat ng Iloilo (Alamat ng Panay)

Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya.  “Salamat, napakabait mo,” anang matanda. “Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya. “ “Naku,  huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito,” magalang na tanggol ng binata.  “Totoo palang napakabait mo,” usal ng matanda.  Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang paghanga ng matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda, tulad ng: “Kung ano ang iyong itina...