Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat Ng Ibong Adarna


 

Ang Alamat ng Ibong Adarna

‘The Legend of the Adarna Bird’ in Tagalog

Oh, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagan yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.
Ako’y isang hamak lamang
taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa,
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
Kaya, Inang matangkakal
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.
At sa tanang naririto
nalilimping maginoo
kahilinga’y dinggin ninyo
buhay na aawitin ko.
Noong mga unang araw
sang-ayon sa kasaysayan,
sa Berbanyang kaharian
ay may haring hinangaan.
Sa kanyang pamamahala
kaharia’y nanagana
maginoo man at dukha
tumanggap ng wastong pala.
Bawa’t utos na balakin
kaya lamang pairalin,
kung kaniya nang napaglining.
Kaya bawat kamalian,
bago bigyang kahatulan
nililimi sa katuwiran.
Pangalan ng haring ito
ay mabunying Don Fernando.
sa iba mang mga reyno
tinitingnang maginoo.
Kabiyak ng puso niya
ay si Donya Valeriana,
ganda’y walang pangalawa
sa bait ay uliran pa.
Sila ay may tatlong anak,
tatlong bunga ng pagliyag
binata na’t magigilas,
sa reyno ay siyang lakas.
Si Don Pedro ang panganay
may tindig na pagkainam,
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay.
Ang pangatlo’y siyang bunso
si Don Juan na ang puso
sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo.
Anak na kung palayawan
Sumikat na isang Araw,
kaya higit kaninuman,
sa ama ay siyang mahal.
Salang mawalay sa mata
ng butihing ama’t ina
sa sandaling di makita
ang akala’y nawala na.

Ang korido ng Ibong Adarna ay ang kasaysayan ng isang hari na Fernando ang pangalan at ang asawa ay Reyna Valeriana. May tatlo silang anak na ang mga pangalan ay prinsipe Pedro, prinsipe Diego at prinsipe Juan.
Ang tatlong magkakapatid ay pinaturuang mabuti ng paghawak ng patalim sapagka’t silang lahat ay may hangad ng korona. Sila ay pawang masasaya sa kanilang palasyo at sa tuwina ay may mga tawanan at halakhakan.
This modern Tagalog version of ‘Alamat ng Ibong Adarna’ will be continued soon!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Alamat ng Ahas

Alamat ng Ahas (2 Different Versions) Alamat ng Ahas (Version 1) Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad. Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop. Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang. Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban. Isang araw, a...