Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Mataas Ang Langit

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...

Alamat Ng Bawang

Mapag- aruga at mapag- mahal na ina si Uganda. Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na mapalaking mabait ang kaisa- isang anak na si Kulala.

Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sabundok ang kanyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama.Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya.

Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang namatay ang kanyang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag- iisa na siya ay hindi na niya naisip na mag- asawa. Pinagsikapan niyang palakihin samabuting asal si Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit ni Uganda sa anak. Nais niyang makapag- asawa ito ng mayaman upang mailayo sa karalitaang kanilang nararanasan.

Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ni Kulala.

May kasabihang ang kagandahan at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung maganda ang isang dalaga maaring makapag- asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat ding kayamanan. Ito ang naging pamantayan ni Uganda para sa anak.

Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag- usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang kutis at balinkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap ang mga mata niya. Ang mga labi niya kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na dala lalo’t kapag siya ay nagtatampo na.

Sapagkat marunong makipag- kapwa tao kaya siya ay kaibigan ng mga bata at matatanda. Mahirap at mayaman ay pantay- pantay langsa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para sa kanya ang pagpapakatao ay isang mabuting pag- uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rind aw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala.

Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit na lahat ay pinakikiharapan ng anak, nangangarap pa rin ang ina n asana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapapangasawa ng kaniyang magandang dalaga.

May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag- ibig sa kaniya pero wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat ng manliligaw niya ay nagpapakiramdam at nagpapayabangan, mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na nagpapasikatan.

Nariyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lamang ay mayabang naitong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero sinamang palad, nabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya kaagad.

Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaymay na katawan ng mangingibig.

Nasundan ito ng adbenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay mayabang na lumusong sa ilug- ilugan na kinaroroonan ng pinakamabangis na buwayang kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus- diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag. Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa hapong katawan. Una siyang nalagutan ng hininga bago tuluyang namatay ang diyablo.

Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig. Namatay ang binata sapagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag- aagawan ng kabinataan. Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ina ni Kulala ay siyang pumili ng mapapangasawa ng anak niya. Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Nariyan si Arturo na anak ni Datu Basti at nariyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayanni Uganda, binuo niya sa sariling matira ang matibay ang dapat na paglalabanan ng dalawa. Minsang nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay naparunggitan sila sa isa’t isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa gusto nilang makamit ang kagandahan pinag- aawayan, ang pakikipaglaban na nagawi sa magkaibigan ay nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay.

Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punong- puno ng kalungkutan ang katauhan niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud- sunodpang naglaban ang marami pang mangingibig nahanding mag- alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang pagmamahal. Sa dami ng dugong dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan patungo sa ituktok ng bundok.

“Bathala ng Kabundukan!” nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, “Kunin nap o ninyo ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirapna hirap nap o ako, ang kalooban kong maging instrumento upang pag- aawayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na nagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa nap o kayo! “Pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama ng pag- ibig na nakauunawa at sagrado.

Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan sa bumuhos na ulan. Nagsalubungan ang matatalim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may mga ngiti sa labi sa katuwaan.

Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto niKulalang lisanin ang daigdig. Maligaya si Kulala sa kinaroonan ni Bathala. Sa tuktok ng bundok ipinalibing ni Uganda ang bangkay ng anak.

Lagi niya itong dinadalaw hanggang isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala. Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala.

“Nasa kaharian ko na si Kulala at masayang- masaya. Ang halamang iyan ay magpapaalaala sa iyo sa mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at ipakilala sa mga tao.”

Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula noon ang mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na tinatawag ngayon bilang Bawang. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Alamat ng Maalat na Dagat (Bakit Maalat ang Dagat)

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran. Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya. Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan. “O hayan, tumulay...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung n...

Alamat ng Ahas

Alamat ng Ahas (2 Different Versions) Alamat ng Ahas (Version 1) Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad. Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop. Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang. Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban. Isang araw, a...