Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina. “Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos. “Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.” “Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. “Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kap...
Alamat ng mga Alamat ni Jennifor L. Aguilar Dumadagundong nang malakas ang kulog. Sumagitsit ang mga matatalim na kidlat. Tinatangay ng malakas na hangin ang bubong ng mga kabahayan. Nagngangalit ang bagsik na hampas ng ulan. Unti-unting nag-uumapaw ang baha sa lansangan habang may isang batang walang ginawa kundi magtanong. Siya si Amat, parang laging may amats dahil walang tigil sa katatanong kung kani-kanino. Siya ay nakatira sa bayan ng Henesis na ang ibig sabihin ay pinagmulan. Sa tuwing may makikitang bago sa kaniyang paningin ay tatanungin niya kaagad ang kaniyang nanay na si Togas ng mga tanong tulad ng, “Nay, saan nanggaling ang ulap? Bakit may ibon? Bakit walang tindang bubuyog sa Jalibi? Bakit may maskot na grimace sa makdo eh wala naman silang tindang ube? Bakit masarap ang corneto? Alam mo ba kung bakit may kwek kwek? Talaga bang baboy ang mga baboy? Nabubuhay pa ba ang bulate na hinati-hati? Bakit mabango ang brown na tsiko, para ba mabighani ang mga tsik ko? ...